Friday, August 22, 2008

angry and sad...

galit ako......pero hindi masyado, hehe.

hayaan ninyong maibulalas ko ito kaya magtagalog na muna..

3 days ago may naamoy kaming "foul" mabaho talaga sa itaas ng bahay. Pero sa baba ganun din, kahit sa labas. Siguro may namatay lang na daga dahil di ba andami naming alagang mga pusa sa bahay.... Ang problema, hindi ko alam kung saan ko simulang hanapin. Nagwalis na ako lahat-lahat, hindi ko pa rin makita...

ah, saka na lang yan! ang daming lakad ngaun kaya isantabi ko na lang muna ang paghahanap noong mabaho na yan.... nakakahinga pa naman ako..

Bayaran ngaun ng mga utilities na lahat deadline na gaya ng electric, water and telephone bills kaya agahan namin ang pagpunta para magbayad or else maabutan kami ng tigaputol, hehehe! Ang sabi ko kay hubby gamitin na namin ang kotse at didiretso kami sa ospital para dalawin ang mommy ni Imee. So ang beauty punta na sa garahe at ayusin ng kaunti yong sasakyan at isang linggo na rin naming hindi nagagamit dahil sa ulan ng ulan.....alam n`yo hindi yan pedeng gamitin kapag umuulan kasi nga sira yong mga bintana sa harapan at nakakapasok ang ulan doon.

Naku, doon pala galing yong sobrang baho! sa garahe.......este....sa loob ng sasakyan! nakita ko ang daming langaw na malalaki, (bangaw) na nagliparan dun at nang binuksan ko, grabe, hindi ko nakayanan ang amoy...lo and behold, doon mismo sa upuan ko ay may nakapatong na tatlong tumpok ng "tae" lang naman, pati yong driver`s seat ni hubby may tumpok din. "malalaki" at siguradong sa pusa yun kasi sobrang baho nga! Pero hindi yun ang nilalangaw, doon galing sa back seat ang mga nagliliparang mga peste kaya tiningnan ko....

Doon ako nagalit sa panghihinayang! Noong Saturday kasi namili kami ng pang-ulam sa SM kasi kami ang magluluto para ipakain sa saints noong Sunday. Bumili kami ng 15 kilos na chicken, nakalagay na sila sa sealed na styro.... at iba pang mga pangangailangan, so medyo madami dami ding bags ang nakalagay sa backseat.....As usual tuwing umuuwi kami salubong sa amin yong mga kasama namin sa bahay at palagi hindi na ako nag-aabala pa sa mga gamit kasi sila na ang nagdidiskarga....

haayy naku, may isang bag na ang laman ay anim na packs ng chicken ang nakalimutan sa loob, how come hindi nila nakita? o nag-asahan kasi eh! yun ang inuod at bumango ng katakot-takot mga ilang araw din yun... Ang sarap talaga tirisin itong mga kasama ko dito sa bahay.....mga pabaya, hmmmp...

Nasira ang schedules namin for that day.... nag-jeep na lang si hubby sa dapat puntahan, pero sa hapon na nakaalis kasi nilinis pa yong kotse, nag-vacuum lalo na ung mga upuan.....nilagyan ng pabango at nag-spray ng kahit ano-ano mawala lang ang amoy... Hindi kami nakapunta sa ospital at nag-decide na tomorrow na lang.....

Noong gabi bandang alas onse yata yun, i received a text from imee, binalita na wala na ang mommy niya! Ganitong araw din last week noong andodoon kami sa ospital na sinabi sa amin ng doctors that she would only have a week to live.... and it happened. They were right all along. The next days that followed ay hinanda ng Dios ang mga kalooban ng family...causing them to just let go and let the Lord have His way... He knows what is best for His children.. Sabi ni Imee pumanaw ang mommy niya na walang struggle at masaya dahil nakasama niya ang lahat ng mga anak sa huling mga araw niya...... Now we know she is with the Lord!

Naalaala ko tuloy yong feelings ko noon nang mawala din si papa.....`kala ko hindi ko kakayanin... but that`s life. Malungkot dahil hindi na natin sila makikita, visible, physically but glad knowing na tapos na paghihirap nila at nasa Panginoon na sila...Yes, He give and take away......blessed be the Name of the Lord!

well, my story today is kinda weird, haha... Galit sa umpisa at malungkot ang ending... kayo na bahala umintindi..