Sunday, June 17, 2007

greetings...

To all daddys in pattsclan, "HAPPY FATHERS DAY" to all of you!

* Bong patts jr.
* Dan patts
* Darell patts
* Ryan jay patts

* Daniel Cutar
* Rogelio Lelis Jr.
* Frank Britania
* Jesse Fortaleza
* Jerry Paunel

* Daniel Burgos
*Joel Furog

Saturday, June 16, 2007

dave`s mission trip

today is dave`s flight to Singapore to speak in their annual youth camp for 3 days and then he would proceed to Jakarta, indonesia for the same purpose. At one o`clock this afternoon we would take that long drive to angeles city, pampanga for its where that he would be taking off. Mas mura kasi ang mga flight doon.

As i helped him packed his things, mix feelings overcame me. Parang ako ang magpi-preach doon. I feel the butterflies...... i told hubby i got upset stomach. hayy, i know my son would do good. This has been my prayers. That God would use Him this way, at ngayon heto na nga yun...

Pls. help us pray for God`s anointing, and that he would be the person that God intended him to be. Be a blessing and encouragement to all most especially the young people in both countries. It`s His anointing that counts.

I know we have your prayers guys. And for this, thank you!

I think this is all for now. I will keep you posted. :-)

Monday, June 04, 2007

In everything there is a season....

In everything there is a season, and with it their ups and downs. But as expected there`s got to be an end. There`s always rain after an annoying hot days. All crisis will pass. That`s why we are told to always hang in there, kasi lilipas din ang lahat. Yes, i mean tag-ulan na naman dito. Nawala na ang sobrang init and gumaan na rin ang mga dalahin...

Just an update, we had a wonderful church service yesterday. lagi naman eh. Everytime i always think it was the best. After months na nawala ang Sunday school class ng LA dept. naumpisahan ulit kahapon. We enjoyed our topic about "unity". Some ladies also shared their thoughts on the subject and we had a good time. Natuwa ako na natuto na silang mag-voice out at mag-share ng mga experiences nila. In the past talagang hindi mo basta-bastang mapasalita ang mga ito..... kaya kadalasan solo ko lahat. Nahiya na nga ako kasi feeling ko "trying hard" na ang dating ko. Pero na-realized ko din na dapat akong magpasalamat kasi kahit sa maliit na paraan ay ginagamit ako ng panginoon at meron akong kayang gawin sa kaharian niya, amen. hehehe!!

After the service, nagyaya si mother na pupunta kami sa divisoria. Wala lang.......window shopping. We don`t have much finance with us so anything goes na lang. Ang hindi namin alam, classes starts now pala, kaya kahapon sobra ang dami ng tao doon namimili ng kahit ano-ano from shoes, uniforms, school supplies at iba pa. Ngayon lang ako nakakita ng sobra kadaming tao doon.... mas marami pa sa pasko at new year... Nahirapan kaming maglakad, at sinabi mo pa, kahit pagsakay. Sarado lahat ng kalsada sa divisoria. Puro paninda ang makikita mo. Eh, andun na rin lang kmi, cannot turn back kaya kinaya na namin ang sobrang hirap, ang pawis.....hehehe, para sa iilang tela at mga panties na naiuwi namin.... Pagdating sa bahay, tulog ako kaagad para akong nilagnat, mabuti na lang nakatulong yong gamot ni naneth para sa migraine niya na binigay sa akin. Nawala ang sobrang sakit ng ulo ko..

Ngayong umaga, ang ganda ng panahon. Medyo madilim ang langit pero walang ulan. Kaya bukas na siguro ako maglalaba kasi ngayon baka hindi matuyo ang mga nilabhan ko. Thank God for change of seasons. Kahit kahirapan ay lumilipas din... We were able to take care and found means para ibayad sa lahat ng mga pangangailangan. Kung lilingunin ko, paano kaya namin nagawa?. Pero alam kasi ng Dios!

no new news from me, i know, lols. This is sort of a testimony.. I am just in a thankful mood today.