Saan galing ang dami ng tao? yesterday i was in Divisoria with joy and verniel. Hindi basta ang naranasan namin! Napakaraming tao, pati mga kalsada ay hindi na madaanan. Ang hirap maglakad na patagilid.....Ang sabi nila naghihirap ang pilipinas? Bakit ngayon pa lang eh, nagpa-panic na ang mga tao sa christmas shopping? Nakakalula ang dami ng mga paninda!
sumasabay ang mga nagra-rally ngayon. Ganun din ang mga nagka-carolling ( hindi na sa gabi ginagawa kundi sa araw na).. pati sa mga jeepney na sinasakyan namin...may nag-aabot ng sobre, pagkatapos kakanta ng kaunti, may sumasayaw pa.......at sa jeep yan ginagawa... kaya kapag biglang nag-break ang driver ng jeep, tumba naman ung sumasayaw, sabay tatayo at patuloy ang pagsayaw ng "lambada", hehehe.. yea, para lang sa kaunting mga barya na inaabot sa kanila, minsan walang nag-aabot lalo na kapag sintunado ung kumakanta...
Tungkol naman sa mga nagra-rally, kahapon pag-uwi namin galing sa divisoria, nakatulog na ako lahat-lahat hindi pa rin umuusad ang jeep.. 2 hours na... hanggang sa dumilim na..kaya pagdating
namin sa Isetann bumaba na kami at nilakad namin pauwi sa Malacanang...:-) yun pala sa gitna ng recto may rally pala! Sinarhan nila ang kalsada at sangkatutak na mga pulis ang nagbabantay... Kung itanong nyo kung gaano kalayo ang nilakad namin, namaga lang naman ang mga binti ko at nagka-kalyo kalyo..... sumakit buong katawan ko...
Ngayong umaga, maaga akong nagising kay sa inaasahan.... meron kaming importanting lakad ni hubby.... know what? Hindi kami makalabas ng malacanang gate dahil may malaking grupo ng nag-ra-rally na nakaabang sa labas... ilang trak ng mga sundalo ang nagbabantay sa kanila at nakaharang ang mga container vans sa kalsada namin palabas.... sobrang perhuwisyo. Siguro mga 2 hours pa aantayin namin bago kami pedeng lumabas! Kahit tubig na inumin hindi kami makabili kasi ung delivery hindi makapasok sa gate.... ano ba yan?? Si gloria kasi, ayaw patalo! at ayan pa ang "cha'cha" niya..... Di ba gusto na nga ng tao na "bumaba siya sa trono" may balak pa yatang tatagal!! Hindi ako mahilig sa pulitika pero gustuhin ko mang ayaw pa-apekto, eh naiipit ang tao sa gitna....... yea, despite the fact that people are trying so hard to be just happy this holidays, it`s so evident that our country is walking through a difficult season, sa politics, sa kahirapan globally. I`m not sure how long this will last or all the twist and turns it will take pero sa part ng karamihan , it`s using up a lot of stress and energy! Ang hirap talaga magbiyahe ngaun.......
Nevertheless, ang saya-saya ng December... di ba?
This week has been wildly hectic..... not only my head ached but my body as well... yet something in me is bubbling with excitement. Dave`s another milestone will happen in a couple of days from now. I can`t describe the number of emotions that i am having in my heart. Pero kung may anak kang ikakasal - you will know what i mean..
Joy arrived last Sunday from Norway, and i have the privilege to accompany her to the one who will make her "traje de boda"... I loved and enjoyed being a part in every little details - preparing everything for her "big day"... I was once a bride, and remembering my own 30 plus years ago, I know the feeling is the same with every woman preparing for her wedding day!
Only one thing i know.......God is so good. I will continue to declare His goodness. He continues to supply the means, the resources - for this most awaited event in my son`s life..... I don`t know how we could possibly do it without the LORD!
THANK YOU JESUS!!!

No comments:
Post a Comment