nakakairita ang init.........ngayon naman ay bagyo!! Dalawang malalakas na bagyo ang dumaan, ulan na may kasamang hangin. Last week ay si bagyong "florita" and this week is "glenda". Kasabay ng "sona" ni president Arroyo noong Linggo ay sumabay din ang bagyo na nagngangalang "gloria". Pinalitan na lang ng glenda kasi parang sinadya, di ba?
Gaya ng dapat asahan, bahang-baha na naman ang Maynila. May mga lugar na natabunan talaga ang mga bahay ng baha nagmistulang mga ilog.... One week walang tigil ang ulan so this is what we got. Sa Northern part talaga ng Luzon ang mata ng bagyo pero kami dito sa manila ay nahirapan din. Isang linggo nang walang tigil ang ulan pero medyo nasiyahan naman ang mga "tatay at nanay" na walang klase sa escuelahan, ibig sabihin walang gastos sa pambaon..
Maraming dike ang bumigay - kaya grabe ang baha sa ibang lugar.. Sana umaraw na. Makapagpatuyo man lang ng mga nilabhan!!
We`re fine despite the rainy days... free from colds and flu. Only Verniel is complaining this morning he got sore throat - naulanan siya kahapon. I told him to take his vitamin C, drink lots of water, and of course our miracle drink (chlorophyll). Pahinga lang, when he wakes up - he would be fine, i assure you!!
Dave is still in Singapore. I think the BOTT will start tomorrow. Some of our UPC pastors left yesterday to also attend this conference. Nauna si dave noong last Saturday pa. Pumunta siya ng Malaysia at nag-preach sa dalawang churches doon noong Linggo. He said he was invited to come back and preach during their youth camp. Sabi ko nga sa kanya, pang-international evangelist ang dating niya......***grin***
At the end of this week - Thursday, Friday and Saturday - we are looking forward for this nice place in Caliraya ( i think in laguna) for a 3-day leadership team building seminar that our company is having. Most people that have been there have only nice words to describe the place.......maganda daw, kaya mas excited akong makita ang lugar kaysa sa seminar. Our company have given our family a privilege of having free charges in our hotel accomodations, food and others. Kaya sayang naman kung hindi namin i-avail. I will share my experiences there with you in my next entry. Sabi nila sa isang island daw ito....sasakay daw ng bangka para makapunta doon. So.........let`s see about that.
Thanks for your prayers guys. My back is a lot better now. Masakit pa ng konti, pero hindi na kagaya ng dati, so that means i won`t have to go and see a doctor. I did have two full days to stay home, rest, relax and sure enough it did helped. Siguro nga talagang over tagtag lang, lols.
Generally, we are fine. kicking pa rin kahit walang kini-kick, hehehe!! Nagtataka lang ako kasi tahimik ngayon ang pattsland. Nasa bakasyonan yata lahat. Invisible lahat sa YM, bakit???
Magkaiba kami ni jean. She loves rainiy days. Ako naman ayaw ko ng rainy days. Kung ako lang ang masusunod, gusto ko walang ulan pero malamig...... para masarap matulog..ZZzzzzzzzz!!
i gotta run or else i will run out of words. gudluck guys! Wish to hear from all of you...
ate virgie
No comments:
Post a Comment