Thursday, August 24, 2006

mga kahapon..

Kagagaling ko lang sa blog ni jean at natawa ako sa entry niya tungkol sa pandesal na may palamang itlog....... siguro panahon ngayon ng pag-alaala sa mga "memories" ng kabataan. Parang sinadya kasi nandito kanina si remie dito sa bahay at maghapon kaming nagkuwentuhan tungkol sa nalalapit na patts reunion hanggang sa napunta ang kuwentuhan noong mga bata pa kami. Ang sabi ko kasi sa kanya, " anong meron sa pansit, siopao at halo-halo na kapag nakikita ko ang mga ito na naka-display sa mga restaurant, kahit busog ako ay talagang inoorder ko sila at kinakain. Minsan lalabas kaming mag-anak at kakain sa labas, sa dinami-daming pagkain na pagpipilian ay laging nauuwi sa pag-oorder ko ng pansit, siopao at halo-halo.

Naalala ko noong maliliit pa kami, siguro mga 6 years old ako. Tuwing dinadala ako ni mama sa pamamalengke, iyon na siguro ang pinakamasayang araw ko. Lagi ako ang sinasama niya noon. Si glo ang nag-aalaga ng mga kapatid namin. Gusto niyang sumama, umiiyak siya tuwing umaalis na kami pero wala siyang magawa. Doon sa palengke, dala-dala ko ang basket habang namimili si mama ng gulay, pagkatapos punta kami sa isdaan, then doon sa mga "bulad" ( hindi yan nawawala sa menu namin noon), ang saya-saya ko kasi alam ko na bago kami umuwi ay dadaan muna kami doon sa tindahan ng may mga snacks......uupo kami dun ni mama at sasabihin niya kaagad, "segi omorder ka na ng gusto mo". Order kaagad ako ng halo-halo, pansit at siopao. Hay naku, langit sa akin yan noon kasi nakakakain lang ako ng mga yan kapag sinasama ako ni mama sa palengke. Tapos sabihin niya kaagad, `wag mong sabihin sa mga kapatid mo na kumain tayo kasi magseselos sila, habang bumibili kami ng maraming "poprice" para ipapasalubong doon sa mga naiwan sa bahay. Then nalaman ko din na lahat pala kami ay tini-treat niya kapag kami ang sinasama niya sa palengke..

Noon masaya ako kapag wala kaming pera (daw) kasi utusan kaagad kami ni mama na mangutang ng corned beef na "target" sa tindahan ni Nang lalang. Pinaka-paborito kong ulam ang corned beef noon kasi sabi nila pagkain daw ng mayaman yan. At kahit tig-iisang kutsara lang ang bawat isa sa amin dahil sa dami namin ay talagang napakasayang hapunan na iyon para sa amin. Kaya siguro ngayon, gustong gusto kong makakita ng mga de latang corned beef. Ang ganda nilang tingnan habang naka-display sa ibabaw ng refrigerator, lols.

Mabuti nga sila ni jean sa panahon nila ay may baon kahit konti, kami noon wala talaga. Ang sabi ni mama kapag recess ay umuwi daw kami sa bahay (kasi malapit lang) at kumain na lang ng "bahaw". Ako naman meron akong kaklase noong grade 4 ako na galing siyang manila. Ang ganda ng mga damit niya, may petticot pa, yong papel niya ay isang pad talaga (kami kasi bibilhan lang ng tig-sisingko sentimos, 5 piraso lang yon) tapos lapis lang ang gamit ko, siya may pencil case na punong-puno ng ibat-ibang klase ng ballpen at malalaking lapis. Lagi siyang may ribbon sa ulo, basta para sa akin ang ganda-ganda niya talaga, at habang nakaupo siya doon sa upuan niya, na dala ng tatay niya (noon kasi kanya-kanyang dala ng upuan), may mga curvings at ang kintab-kintab, ay para siya princesa na nakaupo sa trono). Wish ko sana ako na lang siya...hehehe!! Kaya kapag komokopya siya sa akin kung may exam (yun lang, kasi may pagkabobo siya eh) ay willing talaga ako magpakopya sa kanya, kaso nahuli kami ng teacher at pinagalitan ako na narinig ng boung klase. Isang araw akong umiyak dahil sa hiya...

hayy, ang dami kong maikuwento tungkol sa kabataan ko. Mga pangarap, mga bagay na gustong maangkin........ang dami-dami. At ngayon ko lang nakita na lahat yun ay simpleng mga bagay lang pala, pero sa isang batang mahirap na katulad ko ay parang ang hirap abutin. Kaya siguro hanggang ngayon kahit na matanda na ako ay paborito ko pa rin ang pansit, siopao at halo-halo. Merong something na talagang nagdo-draw sa akin na kainin sila kapag nakikita ko silang naka-display.

Kung ano ang kabataan ko noon......ay sarap balik-balikan.......sa likod ng kahirapan ay punong puno ng saya at kung ano mang mga bagay na meron ngayon, yan ay dahil sa kabutihan ng Panginoon, answered prayers ng mga magulang ko na may takot sa Kanya.... I think, i`m quite successful in letting my children see that I had a most happy childhood ever!!!

ohh well, i have countless stories about my childhood to share.... pero sa sunod na lang ulit siguro. Some of you guys may want to share it also. gosh, it`s 3 in the morning and am still awake. Napilitan lang na magkuwento ng konti ngayon dahil nga dun sa entry ni jean...hehehe!! Sabi ko kay remie na sa reunion magpa-cater na lang tayo para wala tayong ibang gawin kundi magkuwentuhan maghapon, magdamag, di ba?

On Monday, punta kami ni remie sa tutuban. We`ll see if we could find magagandang gowns na okey ang material, yung hindi naman halata na divisoria lang pala. And if we do, we`ll let you know para hindi na lang tayo magpatahi, kasi talagang expensive kung magpapatahi pa..

gud nyt.......aww gud morning pala!!

ate virgie

2 comments:

Anonymous said...

te gie, ako din. Gustong gusto ko laging sumama kay Mama mamalengke kasi lagi siyang bumibili ng bibingka naman non sa panahon namin at buko salad ice drop.

Nakaktuwang alalahanin ang mga kahapon. May isusugest nga ako sa Family reunion, magbigay tayo ng mga lumang pics, nong bata pa tayo tapos ilagay sa power point. What do you think. If Jay can't do it. I will do it myself.

Have a good sleep. Grabe ka din pala sa puyatan.

Anonymous said...

yah nakakatuwa na nakakainis alalahanin ang kahapon..well i have my own collections of memories when i was young kaya lang pls lang wag nyo ng i post pic ko nang bata pa ko..lolz