Monday, October 02, 2006

melenyo.....pasaway!!

feels good to sit in front of this computer once more....... Noong nakaraang linggo, binagyo po kami!! Jean said she missed our phil. typhoons...well, that was a strong one compared to others na dumaan. Nagliparan ang mga bubong, dingding ng karamihang bahay. Nagtumbahan ang mga poste, malalaking puno. Kasama na ang mga lines ng communications. For three days, nakulong kami, shut off from the world kasi walang kuryente at kapag walang kuryente, that means walang news, ( tv, wala ung nagtitinda ng newspaper, no cellfones dahil hindi makapag-charge, no internet), worst of all, walang tubig. Pagkatapos ng bagyo nagmistulang kagubatan ang paligid, puro nabuwal na mga puno, ang mga dahon ay parang ginunting-gunting. Binaha sa loob ng bahay namin. Nakapasok pa rin ang ulan sa mga bintana kahit na nakasarado. Dala ng napakalakas na hangin. Nangyari na naman ang tungkol doon sa bahay natin sa makati, kasi nagliparan din ang bubong at mga dingding ng bahay natin doon. Gusto ng mga nangupahan na ipaayos pero hindi muna sila magbayad ng upa.....ewan ko, anong comment ni jeff.. Nakakairita ang sobrang init. Mainit na nga marami pang lamok, so almost impossible ang pagtulog sa gabi. Nangalumata na kami. Naubos ang mga kandila na pabili sa mga tindahan..... kaya, noong nagkailaw na, parang nawalan ng bait ang mga anak ko dahil sa pagsigaw at paglundag sa tuwa ( wala kami ni hubby noong umilaw, nasa madilim na kawalan sa batangas. Ikukuwento ko mamaya). Saturday at 1 o`clock am daw noong nagkailaw.. Nakatulog sila ng mahimbing ng ilang oras bago gigising on a Sunday morning para sa preaching engagement ng bawat isa. Si dave sa pampanga naimbitahan, kami ni pastor sa batangas kaya si charis at verniel ang incharge dito sa malacanang church. Isa ang area namin na masuwerte na naayos kaagad ang meralco lines kasi kalahati pa ng maynila ang walang ilaw up to this moment. Baka aabot hanggang next week bago maayos ang mga poste at mabalik sa normal ang lahat. Hay, pasaway na bagyo!!

Gusto kong ikuwento yong pagpunta namin ni hubby sa Batangas. He is invited to be the guest preacher sa anniversary service ng Caloocan church to be held in one of the resorts in Batangas. It is to be an early morning service before the sun will rise. Kaya naka-schedule na 4`oclock in the morning gaganapin sa tabi ng dagat. Umalis lahat ng pupunta Sabado pa lang ng hapon, pero hindi kami nakasabay ni hubby dahil magsasalita pa siya sa isang affair ng Edmark ( awards night). Nangako kami na susunod na lang kami pagpunta at eight ng gabi. Natapos ang event sa edmark mga seven o`clock na, umuwi kami hoping na may ilaw na sana kasi maghahanda pa ako at magpapahinga muna si hubby (matulog ng ilang minuto) before that long drive para Batangas. Sad to say, wala pang ilaw sa bahay, kaya kinapa ko na lang ang paghahanda. So hindi rin nakatulog si hubby, ni hindi man lang namin na-check ang kotse bago kami umalis. Malungkot pa ako dahil iniwan namin ang bahay na walang ilaw at pinapawisan yong mga anak namin. Mga 10`oclock na noong nakaalis kami. Sabi ko kay hubby dahan-dahan lang kami kasi napansin namin na sobrang mahina ang ilaw namin, nakapagttaka kasi bago naman ang baterya nya. Napansin naming wla masyadong nagbibiyahe noong gabing yun. Lahat ng dinaanan namin ay nasa kadiliman. Siguro wala pa ring ilaw ang aguinaldo highway. Hanggang tagaytay, Diyos ko, ang dilim.. Mabuti na lang wala fogs pag-akyat namin sa Tagaytay, siguro kung meron hindi kami makakaakyat kasi bukod sa wala kaming fog light sobrang hina pa ng ilaw namin....ugh!! Hanggaang sa dumating kami sa canyon ( ibabaw ng bundok na paikot-ikot ang kalsada, makitid pa, parang bituka ng manok). Pagkalampas lang namin dun, nasa ibabaw pa rin ng bundok, biglang namatay ang ilaw namin.....total darkness! kilangang tumabi kami at titingnan ni hubby kung ano ang nangyari. Napakadilim, walang kabahay-bahay, walang ilaw ang mga poste, at ang gilid namin ay bangin, Nagkataon din na wala talagang moon and stars sa kalangitan. Kinapa ko ung pen light ni hubby, salamat andyan lang at bumaba siya para tingnan kung anong nangyari. titingnan pa lang....take note, hindi siya mekaniko!! Bigla akong kinabahan.....nangangatog, sa sobrang kaba. Naisip ko lahat ng mga masasamang pwedeng mangyari sa amin. Hindi ako takot sa mgaa kuwentong aswang, although ang sabi ng karamihan ay pugad daw ang batangas sa witchcraft......doon ako natatakot baka may dadaan na mga hold-uppers o masasamang tao at gawan kami ni hubby ng masama. Sa pilipinas eto talaga ang kadalasang nangyayari, diba? Eh kahit na nga nasa gitna ka ng siyudad at araw na araw, may mga hold-uppers pa nga doon pa kaya sa ibabaw ng bundok, madilim, dalawa lang kami ni hubby at naka-kotse. Kung mamalasin ka pa, minsan pinapatay pa nila yong iba.. Lord, `wag naman sana!! umiral na naman ang pagka-nerbiyosa ko. Nainis na si hubby sa akin kasi pinagmamadali ko siya!! Kaya tumahimik na lang ako, at habang naghihintay ako sa loob ng kotse.......parang ang tagal-tagal na, almost 30 minutes na pala, i turned to God. nakakahiya, pero ngayon ko lang naisip mag-pray. I recited Psalms 23 ( memorized ko siya since I was young) at ngayon ko lang talaga inintindi ang bawat word ng chapter na yan........i continued on......." though i walk in the valley of the shadows of death, i will fear no evil for thou art with me, thy rod and thy staff they comfort me..." Yes, He has promised to be with us even in the shadows of death........Lord, how can i be so fearful? All these years, you have protected us....pls. cover us with your precious blood!!. Finally, hubby did find out about the light. pinagdugtong niya yong wires na matagal niya muna nahanap and what a relief nakapagpatuloy na kami sa pagbibiyahe. Hindi na bale kahit na naligaw kami ng tatlong beses kasi talagang sasadyain yong resort na pupuntahan namin.....dumaan pa sa taniman ng mais, pero nakarating din kami mga bandang 3:30 am na. Almost magsisimula na ang sunrise service so hindi na kami nakatulog pa. Uminom na lang kami ng ginseng coffee para dilat na dilat pati isip. Ilang sandali pa, nagbihis na ako, si hubby nagpunas- punas na lang at sinuot niya yong amerikana suit niya - no choice kasi yun lang ang dala naming susuotin niya. Kahit hindi nakapaligo, parang ang pogi pa rin niya tingnan at fresh na fresh.... parang kagigising lang, hehehe!


Kahit na 5:00 oclock pa ng umaga ay maliwanag na sa tabing dagat. Ang sarap ng hangin. Napaiyak ako sa ganda ng paligid, damang dama ko kung gaano kadakila ang Panginoon. I could feel His presence all over the place. Hubby delivered the Word with such fervor and annointing. 13 people came running to the front when he gave the invitation for repentance, and then all of them submitted to be baptized in water in Jesus Name, praise God..

So that`s how my previous week goes. I thought of just telling you about melenyo pero napadami tuloy ito. well, pag-uwi namin ni hubby galing sa Batangas, natulog kami boung hapon.... makapagbayad man lang sa maraming utang sa tulog.......dapat lang bayaran!! bahala na ang ibang bagay, basta matulog muna.......

Pagkagising sa gabi.......kumain kaming KFC. Di ba ang ganda ng buhay? Tapos na ang bagyo. It`s just good to be home...

The news said, another one is coming. Nene ang pangalan. Hope hindi kasing destructive ni Melenyo. Pinahirap niya ang pilipinas ng isang linggo........

til next time guys....

ate gie

3 comments:

Anonymous said...

ate mabuti 2 days lang wala kayong ilaw, kami 4 days tlaga muntik na nga akong mawalan ng pag-asa - di pa rin pwede ang phone namin till now. Ate di ba pag pumunta kayo sa Tagaytay sa aguinaldo hi ang daan nyo, sa dulo niyan may rotonda bago tuluyan aakyat sa tagaytay, ang villa de oro dyan lang banda sa TCI school, very near Rotonda kasi may Tagaytay Center na sobrang mahal ang mga resort, sana dumaan kayo doon para makita nyo ang venue.

Anonymous said...

Hi te gie, Thank God everything is fine now. Talagang iningatan kayo ng Panginoon sa biyahe niyo. That was scary lalo na diyan sa Pinas. We have a God that watches over us.

Musta na sila te neth? nasira na naman pala ang mga bubong sa Makati. Alam mo, dapat talagang maayos ang bahay natin don, iyon bang gawing magandang apartment na. Para ma rentahan din ng medyo mataas.

Anyway, decision nila mama yan, but I think they have to do something about our house there. I preserve ba o ibenta na lang.

Good to hear from you again te gie. Dito walang bagyo pero malamig na at foggy all the time. Mamaya may frost na.
Take care everyone and give my regards to all.

We'll see you on Feb.

Anonymous said...

walang BAGYO sa tagum liliparin na ang boung manila dito sa Davao masyadong tahimik,walang bagyo dito kasi napapaligiran ng bundok...yong experience nyo te,nangyari na rin sa amin yan..travel kami almost 14 hours papuntang Iligan hindi kami nagpainstall ng fog lights,naku hirap na hirap kami sa bundok dahil foggy di mo na makita and daan puro bangin pa naman yon kaya ang nerbiyos ko non di na mapantayan..pero marami kami, puno ang van.