Thursday, November 02, 2006

another patts assignment =:)

Childhood: ( In taglish po ito, so that i could well express myself)

1) Where did you live and go to school?

Ang pamilya namin ay taga General Santos City (Dadiangas noon), ciudad sa south Cotabato. Doon ako lumaki, nag-aral ng elementary hanggang second year high school. I remember, i live a normal but happy childhood. Our parents did not deprived us children of the things or experiences that a normal growing child should have. Kompleto ang mga laro, disiplina ( kung may mali, hindi yan pinapalampas ni mother), at mga bittersweet memories ng kabataan. Na-enjoy ko ang pag-aaral ko. Dahil masyado akong matakutin sa teachers kaya ko pinaghusay ang pag-aaral ko noon. Consistent ang pagiging first honor ko, sa grade six lang siguro ako naging second honor kasi may dumating na isang 16 yrs old na teen-ager na naging kaklase ko at siya ang umagaw ng korona ko sa first place, hehehe!! Iniyakan ko talaga yun. Siyempre na-dethroned ka nga naman.... binibiro ako ng mga kaklase ko. (may pride din ako noh!) Ang buhay naming magkakapatid ay bahay, school at church. Masasaya ang memories ko sa church life. Tuwing bakasyon, Daily vacation bible school na hanggang ngayon ma-feel ko pa rin ang excitement. Halos lahat ng masasayang alaala ko ay church activities. Lalong-lalo na kapag pasko. may mga drama kami, songfest at iba pa. Masasayang mga araw yon. I was in my second year in high school nang tinawag ang family namin sa Angeles City para mag-start si papa ng Bible school sa United pent. Church. Alsa balutan kami..... at doon nagsimula ang buhay sa ministry ng pamilya namin. 5 years kaming nagpalipat-lipat all over the Philippines para mag-start ng Bible school si papa. Sa Davao, tumira kami ng isang taon, sa samar then back to Manila. Ang ibang kapatid ko pinanganak sa mga lugar na napuntahan namin. Hanggang sa nag-settle na kami sa manila. Noon tuwing nagbibiyahe kami, dala-dala ang mga gamit, (mga damit lang kadalasan nabibitbit, parang yun lang ang kayamanan namin that time) ay enjoy kaming magkakapatid. Sakay palagi ng barko. Parang nagpipiknik lang kami, or nagto-tour ang pakiramdam ko. Pero ngayon kapag naisip ko, ang hirap hirap pala noon para sa side ni mama. Bitbit ang mag-anak, maraming mga anak, walang kasiguraduhan kung kailan at saan kami magsi-settle. May sarili kaming bahay at lupa sa Dadiangas, maganda ang trabaho ni papa as professor sa isang kilalang escuelahan dun sa lugar namin (that time na konti pa lang ang professional, well respected ang mga teachers sa lugar namin, lalo na si papa, kaya noong iniwan ni papa lahat yon, maraming nag-akala na binigyan kami ng malaking pera ng UPC para sumunod kung saan kami dalhin.)

2) What do you remember best about your parents?
Talagang best lang ang maalala ko tungkol kay papa. Siya ang una kong teacher. 4 yrs. old pa lang ako, ang bilis ko nang magbasa. Siya ang sumasama sa aming magkakapatid tuwing nag-eenroll kami sa school, umaattend ng PTA meeting, nagsasabit ng academic medals. Naghatid sa akin sa altar noong ikinasal ako, at noong una akong lumayo sa pamilya dahil sumama ako sa husband ko doon sa mindanao na talagang nagkasakit ako dahil sa pagka-homesick, dinalaw niya ako doon. Noong growing years ko, pag nagising ako sa hatinggabi, nakikita ko si papa na nakaluhod at nananalangin. Hindi ko alam kong anong pinag-pipray niya noon, siguro kaming mga anak niya na sana manatili kami sa panginoon, kasi nangyari yan. Halos kaming lahat nasa ministry. Siya ang tiga-encourage sa amin, tuwing pinapalo or pinapagalitan kami ni mama, siya ang tiga-comfort afterward. kaya noon, minsan may mga time na medyo napapalaot kami at nakikigaya sa iba of being "worldly", kapag naisip ko si papa, at kung anong kahihiyan ang pwede kong maidulot sa kanya, ay bigla akong tumitino.... That`s how i love and respect my father, na talagang deserve naman niya!

si mama, siya ang disciplinarian. Hindi niya pinapalampas ang mga kasalanan namin. Ang dami kong memories sa mga pagdisiplina niya sa amin. Siya ang nagturo sa akin na dapat malinis palagi ang bahay, makintab ang sahig, hindi nagtatambak ng labahan at iba pa. Lumaki kami na nasa bahay lang siya. nakita namin kung paano niya sinisilbihan si papa na parang hari. At kaming mga anak niya. kaya siguro namana namin yan ngayon. Pero hindi siya yong tipo na martir. Sa kanya kami takot kasi talagang pinapalo niya kami kung may mali kami. But she is a very sweet lady, friendly and loving. Naalala ko noon, hindi kami pwedeng matulog na hindi naghugas ng katawan at nagbihis. She sees to it na malilinis ang mga kumot at mga unan namin. Housewife and mother talaga si mama. Lagi kaming kumakain on time and three times a day. malaking bagay sa kanya ang pagluluto kahit bata pa siya na naging nanay at nag-experiment palagi sa pagluluto. Basta may pagkain sa mesa pagdating namin galing sa school. Hindi isyu sa kanya kung siya ang nagsisilbi sa aming lahat. Palabigay din siya...... at masyadong hospitable. grabe, kung pwede lang lahat ng taong gustong tumira sa bahay namin ay patirahin niya!! Hindi ko nga alam, mahirap lang kami pero pinuputakti ng tao ang bahay namin palagi.. ipinagluluto niya at kung anong meron siya sini-share niya...Ganyan si mother.

3) What did you and your siblings do in your spare time?

I read a book maghapon. Or nasa church kami palagi. Doon kami nagha-hang-out noon.

4) Were you an obedient child or a mischievous child?

Siyempre, obedient, hehehe! Naging mischievous lang noong na-inlove. Minsan hindi ko siya sinusunod. (mama). Ang alam ko, palasagot ako. kaya lagi akong kinukurot ni mama at napapagalitan.

5) What type of clothing did children wear then?

hay naku, sabi ng marami all-style daw kaming magkapatid. Ang damit ang bagay na talagang in abundance kami kahit noon. whether ito ay binili ni mama, pero karamihan binigay lang sa amin. Lagi kaming may bagong damit, with matching raffles and ribbons pa sa ulo.

FAMILY TRADITIONS:

1)Did your family have any special traditions, such as things that they did on holidays or borthdays?

New Year celebration ang nangunguna. Kailangan magkasama kaming magkakapatid kahit na ngayon may mga pamilya na kami. Meron kaming thanksgiving service before midnight, giving testimonies, prayer and then fellowship. Isa ito sa kaligayahan ni mama. Subukan mong huwag pumunta at bukas hindi ka niya kikibuin, lol. Our family treasures family celebrations and gatherings. Mga birthdays ni papa or kanino pa man sa amin.....kung pwede lang kailangan may konting pagsasama-sama at salo-salo.

2) What about family heirloom? is there anything that`s been handed down from generation to generation?

Material things, wala. But our family`s heritage. We children handed it to our children. And i know they would do the same to their children. Mama was fond of telling us stories before we go to bed noong maliliit pa kami. Isa na dito ang storya ng "O nanay, "o nanay". I don`t know if she made that story herself, pero kapag kinukuwento niya sa amin noon, umiiyak kami kahit ilang beses pang ulitin. Kinuwento ko din yan sa mga anak ko.... ang mga kapatid ko, sa mga anak nila...

Growing up:

1)When did you leave home?

When i was 24 years old. I married when i was 23 but did not leave home until 24.

2) Why did you leave home and where did you go, how did your life change? Did you feel grown up? Were you a little scared?

I left home to be with my husband. After i was married i stayed with parents for one year yet, at pagkatapos nagsarili na. My life change for the better. I just became responsible, i think so.... and feel a real grown-up when i had my first child. Suddenly, i am like mama. Kung ano ang nakikita kong ginagawa niya ginaya ko rin. Yes, I was a little scared. But if you have a responsible and loving husband like mine nawala lahat ng pangamba ko..

HOMETOWN

1)What was the name of the place where you grow up?

My childhood years until i was l4 years old was spent in General Santos City, in Mindanao.

2) Was it a big city or a small town?

Those days, it was just a town. Pero ngayon a big and growing city na daw. I haven`t been there more than 30 years ago na.

3) Were there any special activities or festival at different times during the year?

I love how we celebrate our christmasses. As a child, nagka-carolling kami.. those were special moments. Bago mag-alas dose, pinapatulog kami ni mama kasi kapag hindi kami matutulog hindi darating si Santa klaus para magdala ng regalo. So tulog naman kami. Paggising namin, may laman ng mga laruan ang mga lalagyan namin. Then sama-sama kaming kumain.. Lahat ng special activities na gustong-gusto ko noon ay mga church activities. Noon Assemblies of God kami..... ang daming good memories. Ang mga paliligo sa ulan, kasama ang mga pinsan namin, pamimitas ng camachili akyat sa puno ng bayabas at aratiles. Hinding hindi ko malilimutan ang lahat ng yun...

whew.....this is long. Please forgive me. I really have a long list of memories concerning my childhood years.... Pagtiyagaan nyo na lang.

thanks, jean for this assignment!!

ate gie



No comments: