Saturday, November 04, 2006

part 2 genealogy patts assignment

(Here`s my continuation...)


FAMILY PERSONALITIES:

Magkakabukingan na talaga ito...hehehe!! But don`t worry i have only nice words to say about my siblings. generally, patts is a wonderful family. although may kanya-kanyang maliliit na katangian. Pero isa lang ang stand-out: sumpungin!! (moody), at ang mga babae, mga iyakin...

Me - what can I say? kayo ang magsabi nyan, hindi ako, lols.

glo - Siya ang talagang barkada ko sa aming lahat. You see, magkasabay kaming lumaki niyan. Nauna lang ako ng isang taon sa kanya. Side-kick ko siya, hehehe! Confidante, best friend, kaya siguro may "soft spot" sa puso ko para sa kanya. Mabait, sa aming lahat siya talaga ang mahilig magluto noon, yaya sa halos lahat ng kapatid ko at ang isang katangian niya na wala sa akin, very friendly, laging nakabungisngis, very approachable. Eto pa, she has her unique way of choosing her wardrobe.... noon, nauuna siya lagi sa uso ng mga damit. Kaya naman, minsan sinusuot namin ni remie ang mga damit niya kapag wala siya. Siyempre hindi siya papayag kung magpapaalam kami. Very fashionable, magagnda ang mga damit niya at sobrang hilig sa sandals.

Remie - sobrang babaw ang kaligayahan. Mahilig mangarap. kaya sa aming lahat siya ang very first na nagkaroon ng sariling bahay at lupa.... at matipid!! Noon, akala namin kuripot, hehehe!! Matakutin kaya lagi siyang binu-bully noong maliit pa siya....... at beauty concious din. Naalala ko noon, galit siya kapag laging tuyo ang ulam at walang prutas... kumukuha siya lagi ng dahon ng papaya at kinikiskis niya sa balat niya para kuminis, hehehe. Inggit ako kung paano niya nami-maintain ang kapayatan niya. Yes, siya ang runner ng pamilya lalo na tungkol sa mga legal matters. Maaasahan.

Naneth - she was born twin. but sadly, isang taon lang nabuhay yong isa. Maliit na babae, pero sobrang tough. Bihira ko siyang nakikitang umiiyak sa mga problema niya sa buhay.... Sa aming magkakapatid na babae, siya lang ang hindi umiiyak kapag pinapalo ni mama. Baligtad, si mama ang umiiyak sa inis, hehehe!! Like glo, very friendly din siya. happy-go-lucky.

Bobong - siya ang dreamer sa pamilya. Eventually, naabot niya ang mga gusto niyang abutin sa buhay.....( sa nakikita ko). Magaling makisama, big hearted din yan and generous. Always extend a helping hand hindi lang sa pamilya kundi sa mga friends niya!!. Pinanindigan niya ang pagiging "panganay" sa mga patts boys. (Ung panganay kasi, si willie, ay kinuha na ng panginoon at a very young age).

Danny - pinakamabait. tahimik at very low profile siya. Very patts ang ugali. Kuntento nang nasa background. Responsible din siya and very loving. Pero ang gusto ko sa lahat, meron siyang sense of humor, very funny na hindi niya sinasadya...

Jean - Beauty siya. siyempre beauty kaming lahat pero iba siya kasi mestisa ang dating niya noon. Unlike all of us, maputi siya at brown ang kulay ng buhok. parang batang american. Talented, maganda ang boses kapag umaawit. Masayahin pero mahiyain. Sobrang mahiyain noon na minsan nakakainis na.... pero ngayon nalampasan niya lahat yan. Hindi na siya ang dating shy girl... Dala-dala din niya ang mga katangian ng patts: sobrang maawain, mapagbigay and eager to please... big hearted.

Lorie - sobrang bait din ang batang ito. Sunod lang ng sunod kapag inuutusan. Walang reklamo. Naging babysitter siya ng younger brothers niya at ibang mga pamangkins. Maganda ang boses, tagahanga niya ako, at talented din. we love you lors, and i miss you!!

Darrell - very lovable siya noong maliit pa at kahit ngayon. Malinis ang personality. Very eager to please din. Very prayerful na bata. Matalino din. Stand out ang pagiging patts.

Jay - very likeable ang personality nitong si jay. Magaling makisama kaya ang dami niyang kaibigan. Tahimik nga lang siya pero ang lagi kong matandaan sa kanya ay lagi siyang nakangiti. He has a way of melting your heart....... low profile na tao but very dependable.

Jeffrey - like the others, mabait si jeff. marunong makisama, pero dahil bunso at single pa, medyo spoiled... alam ko, dala-dala din niya ang mga katangian ng patts.

FAMILY RECIPES:

What was your everyday usual menu? Kung may pera, mahilig magluto si mama ng nilagang baka. pero kung wala, mangungutang sa tindahan ng corned beef. Humba na langka, at aplay na papaya. Noong nasa makati na kami, usual menu ay law-oy, daing, tuyo at alamang na ginisa sa itlog.

What was your family`s favorite menu?
Noong maliit pa ako, i remember, hindi kami nawawalan ng pritong tuna. Sinabaw na tuna na may malunggay. Minsan suso na may gata. Gustong gusto namin yan noon. bigyan kami ni mama ng perdible para tusukin palabas ung laman ng suso...or kaya sisipsipin na lang. Ang sarap!!

Does everyone knows how to cook?

Noong mga dalaga at binata pa kami i think hindi namin hilig magluto, except glo. Ngayon na lang kami natuto at nahilig lahat ng nag-asawa na!!

Do you have cook outs or picnic?

Hindi yan uso noon sa amin. Wala akong recollection na nagpiknik kami as a family. Kaya siguro ngayong may sarili na kaming mga pamilya, mahilig kaming lumabas at magpikinik.

DATING

How does your parents respond to dating?

Si papa okey lang. Minsan pinakikilala ko sa kanya ang mga manliligaw ko. Si mama ang medyo strict. Pinapakita niya sa tao kung ayaw niya by pagdadabog or minsan kung gabi na umuwi hinuhulugan niya ng banig...

TALENTS

What side of your parents you get your god-given talents?

siguro nakuha ko sa patts ang hilig ko sa pagkanta at hilig mag-teach.

IMMIGRATION

I will leave this out. I haven`t been migrated to any countries. Maybe someday. Not long from now. lol

WORK

What did your parents do for a living when you were growing up? did you ever help them out?

My father teach for a living. Professor siya sa isang school sa Gensan. Then nag-founder siya ng isang bible School noong Trinitarian pa kami. Si mother stay at home mom. I started helping out financially when I was 16 years old.

Was your family financially comfortable?

When we were young, we were always groping and struggling financially. Si papa lang ang nagta-trabaho at marami kaming magkakapatid. Pero magtataka ka, ang dami pa naming pinapakain na ibang tao. Adopted ng pamilya.. hindi kami nauubusan. Kahit simple lang, laging parang fiesta..

What was your first job/ How were you at that time? How did you get your job?

My first job was candy wrapper in a candy factory. 12 years old ako noon. Isinama ako ng mga pinsan ko sa pag-aaply nila. During weekends lang iyon. Pangbaon ko sa school.

What different jobs have you had during your lifetime?

Candy wrapper, naging clerk sa isang gasoline station (for 2 weeks only) when i was 14 yrs. old., I was able to teach in our UPC Bible School in Samar for a year. Secretary in our UPC headquarters office until i got married at 23. Bible School librarian and secretary to papa`s international correspondence school. Branch manager sa Asian pacific Realty company and at the present an emerald manager with my husband in a food supplement company.

PHYSICAL CHARACTERESTICS:

What physical characteristics do people in your family share?

Maliliit lang kami... Hindi mo naman matatawag na pangit kasi matatangos ang mga ilong namin. Our parents said we are a mixture of spanish and chinese blood. Pero mukhang bombay ang karamihan sa amin.. ( matatalino ang mga patts - kaya tawag sa kanila ay small but terrible!!)

Do they all have the same hair color or eye color?

yes, karamihan black hair. i think we all have eyes of dark brown.

whom in the family do you resemble?

When i was younger, very evident ang pagiging patts. father side. But now that i`m older, i already resemble my mother. Buscano naman..

PREVIOUS GENERATIONS:

Did you know your grandparents or great grandparents?

yes. Naabutan ko pa ang father ni papa at ang stepmother niya. Si tatay asiong at Nanay pinang. Si tatay asiong namatay noong 9 yrs. old ako pero si nanay pinang may-asawa na ako noong namatay siya. nakatira pa siya sa bahay namin noon sa Makati. Sa side naman ni mama, hanggang ngayon still living pa ang grandfather ko, pero ang grandmother ko, matagal nang namatay. I never met any of my great grandparents.

What were their names?

Tatay asiong and nanay pinang - papa`s side
Tatay Elias and auntie puring - mama`s side. Tatay elias married again when my lola died. He married my papa`s sister, auntie puring.

Where did they live?

Tatay Elias and Auntie Puring is in Mindanao. My father`s side grandparents are all gone.

what stories can you tell about them and their lives?

Wala masyado akong masasabi tungkol kina tatay asiong. They live in Bohol while we live in Mindanao that time. Pero nagbakasyon kami noon sa bohol, I was 5 years old, nakaalala ako ng konti, si tatay asiong ay very loving sa akin. lagi niya akong kinakarga at kinukuha niya yong mga "tungaw" ( maliliit na kulay pulang insecto) na pumapasok sa pusod, sobrang kati. At madalas pinapakain niya ako ng lugaw at pinapatulog.

Si tatay elias naman ay malapit nang mag-ninety years old pero malakas pa at hindi pa ulyanin up to this day. Pastor na talaga siya noon sa assemblies of God at mahilig mag-fasting ng 40 days and forty nights. meron siyang gift of healing noon, maraming mga engkanto na na-cast out niya. Sobrang powerful ang ministry niya na kahit si papa noon, nakagat ng makamandag na ahas ay gumaling noong pinag-pray niya. Sa kanya ko nakuha yong mag-devotion ng alas kuatro ng madaling araw kasi binabato niya kami ng unan kapag hindi kami babangon para mag-pray, hehehe!!

Alam mo, kung titingnan talaga....kung baga sa bible days noon, sa mga Israelites, our family belongs to the Levites generation. halos nasa ministry ang angkan ng patts at Buscano. Yan ang heritage namin......na gusto kong maipasa din namin sa next generation... to our children and to our childrens children....

wow.... this is long. jean may continuation pa ba to? nakakapagod nang basahin. So long..

ate gie






















No comments: