Thursday, June 08, 2006

tag time ( my favorite assignment!)

What`s the story of.........

Your name:
magulo at "makulit" din ang story ng name ko. Noong lumaki ako at nag-aaral ng elementary ang alam kong pangalan ko ay "Virginia". So gamit gamit ko siya hanggang sa nag-graduate ako ng grade VI. Pagtungtong ko ng high school palibhasa marami nang nagtatanong tungkol sa akin na sabi nila may "crush" daw sa akin, hehehe, ginawa kong medyo modern ang name ko at naging, Virgie. So virgie it was until I decided to apply for a passport. Eto na, pumunta ako sa NSO at kumuha ng copy ng birth certificate ko, aba....... hindi virginia or virgie kundi Jeremy. (ang layo noh?) Ang ginawa ko, may kakilala ako noon sa munisipyo nagpagawa ako ng birth certificate at ang nilagay ko ay Jeremy Virgie kasi natakot ako na magka-problema dahil lahat ng records ko sa high school ay virgie na. Ano ba yan, ang gulo. Kaya mula noon naging Jeremy Virgie na ang name ko sa passport, pati sa marriage contract at iba pang legal documents from then on. Alam nyo ba, naging Phoebe din daw ang pangalan ko noong bata ako. Pero noong tinutukso daw ako ng mga kalaro ko na may TB (ka-sound kasi sa Phoebe) pinalitan daw ni mother ng Virginia. Eto naman si Virginia ay isang maganda at mestisa na dalaga na naging kapitbahay nila mama noon kaya hayun ipinangalan na naman niya ako doon.....siguro gusto niyang maging kasingganda ako dun. hay naku, mama talaga, sobrang bata pa noon - parang naglalaro lang!!

My parents:
May alam ako konti about my parents love story. Si papa boarder sa bahay nila mother. Second year high noon si mama at si papa ay teacher niya sa school. Dahil nga medyo stable na si papa sa buhay (professional na) ay gusto ng grandfather ko na si papa na ang mapangasawa ni Lily. (ang anak niyang bugay at batang isip pa. Noon kasi pwede ang parents ang pipili ng mapapangasawa). Ewan, siguro beauty talaga si mama at na-inlove din ang teacher niya sa kanya kahit walay bout. love notes or letters ang pinapadala ni papa sa kanya pero hindi binabasa ni mama kasi may iba pala siyang crush, ayayayyyyy! Eto namang auntie Felipa (eldest sister ni mama ay gumawa din ng sulat para kay papa at nilagay niya na galing kay mama at sinasagot na ni mama si papa. Hindi ito alam ni mama. Meron na pala siyang boyfriend in the person of papa. Kinabukasan, maaga si mama nagising at nagsaing ng almusal, maaga din si papa nagising. At dahil akala niya na sinagot na siya ni mama at mag-on na sila, biglang inakbayan si mama. (noon parang nagnakaw ka na ng halik nyan). Yun pala nakita ni grandpa at isi-net agad ang kasal. Hayy salamat na lang at mabilis si papa!!

My last Birthday:
Kami lang sa bahay ang nag-celebrate at 12:o`clock midnight. Hinintay namin umuwi si Dave at may dala siyang favorite cake ko. Masaya ako at enjoy na enjoy kasi kasama ko silang mga pinakamamahal ko sa buhay. Dalawa ang bisita namin: si Jeff at Dondon, hehehe!!

My first love:
Ang akala ninyong first love ko ay hindi talaga yun....... tulad ng sinabi ni Jean, "i remember the boy, but i don`t remember the feeling anymore. Isa lang ang laman ng puso ko ngayon - si hubby..... (naks, ka-cornihan!!)

My (recent) room
Hindi lang si hubby ang ka-share ko kundi ang mga binata ko din. Meron silang kanya-kanyang room kaya lang dahil sa pagtitipid namin ng kuryente doon sila natutulog sa room namin para isang aircon lang ang gagamitin. okey din di ba? at least nakatipid. For me, my room is the most relaxing part of our house and most comfortable too!!

My last christmas:
We don`t celebrate christmas day... though, wala lang, I always prepare a special meal for the family to share together on this day. Special moment for us to remember. We give out gifts on New Year`s day na.

My last Valentine`s day:
We don`t celebrate Valentines day. It`s not in our family`s calendar. We give love everyday, and if thats what valentine`s day meant, then valentines is everyday for us...

My current clothes:
Matagal ko nang tinago (ang iba pinamigay ko) ang mga blazers at mga damit na may corporate look. Recently, i started taking it out again, medyo kasya na naman sa `kin at kailangan din kasi na magsuot ako ng corporate attire everytime i go with hubby to meet people and in the office as well.

First time I saw my crush:
iyak ako ng iyak noon. Lalo na kapag hindi ako pinayagan ni mother na umaatend noong crusade sa plaza. I was 13 yrs. old, and this guy won`t even bother to look my way. Kasi hindi niya ako kilala. That time ang daming magagandang dilag ang may crush sa kanya. He was quite famous, hearthrob. He was an evangelist from Manila na nagcrusade sa plaza ng Gensan at humanga ako kasi ang galing niyang magsalita lalo na Tagalog. Kaya noong matapos ang one week na crusade nila umuwi na siya sa manila at umiyak talaga ako kasi na-miss ko siya. Hinanap ko siya sa mga "yearbook" ng Assemblies of God bible School sa manila at nalaman ko ang maraming bagay tungkol sa kanya. Noong 15 yrs. old na `ko nasa Manila na kami nakatira. 5 years pa ang lumipas, pumunta ako sa isang concert ng "Papuri singers" sa Philamlife theater. Nakita ko siya dun.......nakaupo sila ng misis niya at anak ( binata pa siya noong nakilala ko siya) sa malapit lang sa kinauupuan ko. of course, hindi niya ako kilala... Diyos ko, bigla kong na-realized bakit ako nagka-crush sa kanya hindi pala siya guapo.....maitim....at bansot pa!! ang napangasawa niya ay duling - true, hindi ako nagbibiro. Mula noon, smile na lang ako `pag naisip ko siya. ( grabe noh? ni hindi man lang niya nalaman na may isang dalagita na nagka-crush sa kanya....!!!)

My best friend:
i had a best friend when i was second year high school. Kamukha ko siya. Kapag magkasama kami sa school akala ng iba ay magkakambal kami. I never had a best friend like her.. Sobrang sweet at mabait. click na click kami. That time may leukemia siya..Lagi siyang inaatake noon. Nang lumipat na ang patts family dito sa Maynila ay wala na akong balita tungkol sa kanya. We didn`t communicate. Ayaw ko rin, kasi ayaw ko na one day mabalitaan ko na lang na "wala na" siya!!

Last place I went:
Yesterday at the office. (this business we are having now) Hubby was talking to some people inquiring about the business while i served them hot, steaming or (stimming?) coffee to make it more convincing, hehehe!!

Greatest achievement:
I can`t think of a better achievement in life.......yes, being a wife and mother - having to raise good kids like mine. Kids who make God the center of their lives. That alone makes my heart sing and filled with joy overflowing.... (Lord, cover them with your precious blood....)

hayyyyy, i love having assignments like this. Di ba enjoy??

te gie

No comments: