It`s a week since papa`s birthday..... finally we got to visit him yesterday! Sorry guys, we made several attempts to go but rains gets always in our way. It`s like typhoon everytime. Strong winds were unpredictable but always so strong when they come. As usual sumasabay na naman ang kotse namin sa mga pahanon ng taghirap. Kung kelan tag-ulan ay nasira ang bintana sa left side, nahulog ang salamin at hindi na maisara... Siyempre, pag may ulan basa kami sa loob. Isa pa, hindi siya pede iwanan na naka-parking at baka pagdating namin eh limas na ang lahat..... ha, ha, ha, para namang may ginto sa loob... malay mo, pilipinas ito noH? Pangatlo, tuwing every 20 minutes ng pagtakbo, kailangang huminto para maglagay ng tubig sa radiator dahil nag-ooverheat. Kahit nasa kalagitnaan ng highway, walang excuse....... parusa talaga!!
Pagdating namin kay papa, malinis naman ang puntod niya at sa tingin ko, well maintained ng caretaker. Sa kanya nga lang ang pinakamalinis sa lahat... May dala kaming gunting at itak so nilinis pa rin namin yong pali-paligid niya - mga finishing touches. Wala pa ngang isang oras, umulan na naman so kailangan na kaming umalis. hayy, nakaka-miss talaga si papa!
Feeling ko tuwa na si papa na may apat na dumalaw sa kanya sa araw na iyon para batiin siya ng belated happy birthday...... kasama namin ni hubby si jeff at verniel. Mga representatives ng pattsclan! Ibinati na namin kayong lahat hehehehe!
Hanggang ngayon out of the country pa din si dave. Next week pa ang dating niya. Charis is also out of town - i think in Laguna for a three day seminar para sa company nila. Si verniel, dondon and jeff, minsan si hubby ay umaalis everyday, so most of the time, i have the house for myself. Sa dami ng ginagawa, hindi ko na minsan napapansin yan!
so yan lang masasabi ko sa ngayon. Ang iba ay hindi na importante.
I just wanna know how`s everyone doing?
love,
ate gie
No comments:
Post a Comment